-- Advertisements --
Hindi pa rin sang-ayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) sa pagtanggal na ng pagsusuot ng face mask kahit na nasa labas ang isang tao.
Ayon kay PHAPI President Dr. Jose de Grano, na nandito pa rin aniya ang banta ng COVID-19 kaya hindi pa nararapat na tanggalin ng pagsusuot ng facemask.
San-ayon sila sa naging pahayag ng halos lahat ng medical workers na masyadong maaga pa para tanggalin ang pagsusuot ng facemask.
Magugunitang nagpalabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maaari ng tanggalin ang facemask kapag nasa outdoor setting.