-- Advertisements --
image 257

Grupo ng mga jeepney drivers, humihirit ng P2 na dagdag pamasahe

Umaapela ang ibat ibang grupo ng mga tsuper at operator ng mga jeepney na madagdagan ng P2.00 ang kasalukuyang sinisingil na pamasahe sa mga komyuter.

Ito ay matapos sabay-sabay na magtungo sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, PISTON, Stop n Go transport coalition, at iba pa, upang isumite ang kanilang petisyon.

Nakasaad sa nasabing petisyon ang kahilingan ng mga ito na madagdagan ng P2.00 ang pamasahe at gawing P14.00 ang kasalukuyang P12.00 na kanilang sinisingil.

Katwiran ng mga grupo, masyadong mataas ang ini-angat ng presyo ng mga produktong petrolyo at hindi na nila kaya pa itong balikatin, habang wala namang paggalaw sa pamasaheng sinisingil.

Hindi rin anila nakakasapat ang subsidiya na nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan sa mga tsuper at operator.

Batay sa pagtaya ng Department of Energy, umaabot na sa P11.00 an