-- Advertisements --

Suportado ng National Federation of Sugarcane Planters (NFSP) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat tiyakin ang pagkakaroon ng buffer stock ng asukal ng hanggang dalawang buwan sa pagtatapos ng milling season.

Sinabi ni NFSP president Enrique Rojas, na ang kailangan ang buffer stock para sa supply ng mga domestic market habang hindi pa nakakamit ng mga sugar millers ang kanilang produksyon.

Nanawagan din ito sa Sugar Regulatory Administration na dapat tiyakin nila ang bilang at pagdating ng mga buffer stock para hindi maapektuhan ang presyuhan ng mga asukal sa bansa.

Karamihan kasi sa mga sugar millers ay humihinto ang kanilang operasyon sa pagitang ng Hunyo at Hulyo kapag nauubusan na ng mga sugar cane o tubo na gigilingin.