-- Advertisements --

Nakapagtala ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) ng “kaunting” pagtaas sa mga admission sa ospital dulot ng Covid-19 habang iniulat ng bansa ang pagtaas ng mga bagong kaso.

Ayon kay PHAPI President Dr. Jose de Grano mayroong slight increase sa mga admissions pero manageable naman sa mga private hospitals at hindi masyado nakakabahala.

Karamihan umano sa mga pasyente ay symptomatic na na-admit at hindi ganoon kalala.

Naniniwala ang mga analyst na ang bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng mas maraming “transmissible omicron subvariants” sa bansa.

Sa ngayon, na-detect ng Pilipinas ang 17 kaso ng BA.2.12.1, isang sublineage ng nangingibabaw na BA.2, at isang kaso ng mas naililipat na BA.4.