Inaasahan ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) ang ilang bilyong dolyar na foreign direct investments na papasok sa bansa dahil sa ipinapatupad na economic reforms sa bansa.
Ayon kay ECCP president Lars Wittig, na ang pagpasa ng mga pangunahing economic reforms gaya ngF oreign Investment Act, Retail Trade Liberalization Act, at Public Service Act ay manghihikayat sa mga foreing investors sa bansa.
Kasabay din nito ay naglabas sila ng guidebook kung paano magnegosyo sa Pilipinas na siyang magtuturo sa mga foreign investors sa pagtatayo nila ng negosyo sa bansa.
Isa sa mga nagtutulak sa nasabing grupo para magkaroon ng maraming mga foreign investments ay ang pagiging pang-limang puwesto ng Pilipinas sa most competitive sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng Institute for Management Development (IMD) 2022 World Competitiveness Ranking.










