-- Advertisements --

Tinuligsa ng mga grupong magsasaka noong Linggo ang tinaguriang “Bagong Pilipinas” movement ng administrasyong Marcos Jr., at sinabing bigo nitong matugunan ang ugat ng kanilang mga paghihirap at hindi nagbibigay ng tunay na solusyon sa mga problema ng bansa.

Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng isinagawang rally kagabi sa Quirino Grandstand sa Maynila para ilujsad ang “Bagong Pilipinas” branding na nagsimula noong 2023.

Suablit para sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), hindi mapapabuti ng rebranding ng administrasyon ang buhay ng mga marginalized sector tulad ng mga mangingisda hangga’t nananatili ang pa rin ang mabigat na mga patakaran sa ekonomiya.

Ayon pa sa grupo, nangangailangan ang mga Pilipino ng mga kongkretong hakbang at hindi isang superficial rebranding upang matugunan ang mga krisis sa ekonomiya tulad ng inflation at pagkawala ng buhay at kabuhayan dahil sa pagkasira ng kapaligiran.

Ayon sa grupo, ang mga mangingisda ay nananatiling pinakamahihirap sa Pilipinas, pangunahin dahilan ay ang kabiguan ng gobyerno na bigyan ng sapat na suporta ang produksyon ng mga pangisdaan sa pamamagitan ng pamimigay ng subsidiya at proteksyon sa mga yamang dagat.