-- Advertisements --
Asukals

Suportado ng grupong United Sugar Producers Federation of the Philippines ang plano ng pamahalaan na umangkat muli ng 150,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay Manuel Lamata, presidente ng United Sugar Producers Federation of the Philippines, nananatiling mataas ang presyo ng asukal sa merkado kayat tiyak na makakatulong ang panibagong supply.

tiyak aniyang bababa ang presyo ng asukal, oras na madagdagan na ang supply sa mekado, lalo na at tapos na rin ang harvest season sa tubo.

Sa likod ng suporta, hiniling naman ng grupo sa Sugar Regulatory Administration na ilabas ang aktwal na volume o inventory ng asukal sa buong bansa, bago ang pag-angkat upang matiyak na akmang volume ng asukal lamang ang aangtin sa ibang bansa.