DAGUPAN CITY–Umaapela ang grupong Teachers’ Dignity Coalition kay VP at DEPED secretary Sara Duterte-Carpio na palawigin ang school break.
]Ayon kay Benjo Basas – National Chairperson, Teachers’ Dignity Coalition, wala pang sem break dahil tuloy tuloy pa ang trabaho ng mga guro kahit natapos na noong June 24.
Giit ni Basas na dapat entitled ang mga guro sa dalawang buwan na school break dahil wala silang vacation leave. Bago ang pagsisimula ng klase ay marapat na handa na ang mga guro emotionaly, physically at mentally.
Dapat ring tiyakin rin na handa na ang mga paaralan sa pagtanggap muli ng maraming mga mag aaral at may sapat na bilang ng classrooms.
Dagdag ni Basas na mukhang mahirapan na ipatupad ang full face to face classes sa darating na buwan ng Nobyembre.
Matatandaan na naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng mga alituntunin ng School Calendar and Activities para sa School Year 2022-2023 sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa bansa. Alinsunod ito sa nilagdaang DepEd Order No. 034, series of 2022 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na nagtakda naman sa pagsisimula ng naturang pasukan mula August 22, 2022 at magtatapos naman pagsapit ng Hulyo 7, 2023.