-- Advertisements --

Ikinatuwa grupo ng guro ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pagsampa ng kasong graft at perjury laban sa mga mataas na opisyal ng Department of Budget and Management’s Procurement Services at Department of Education (DepEd) dahil sa maanomalyang pagbili ng mga overpriced at outdated na laptops.

Ayon kay Teachers Dignity Coalition (TDC) Chairman Benjie Basas, na naging tama lamang ang ginawa ng senado para matigil na ang kurapsyon sa DepEd.

Magugunitang sila rin ang nagsiwalat ng nasabing “overpriced” at “outdated” na laptop kung saan may ilang guro nila ang nagsauli na ng mga laptop.

Magugunitang inilabas ni Senator Francis Tolentino ang chairman ng blue ribbon panel ang 197 pahina na committee report na nagpapatunay na masyadong mahal ang P979 milyon na laptop.

Pinakakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina dating DepEd Undersecretary Alain del Pascua, Undersecretary Annalyn Sevilla, former Assistant Secretary Salvador Malana III, Director Abram Y.C. Abanil, dating DBM-PS OIC Executive Director Lloyd Christopher Lao, dating PS-DBM OIC Executive Director Jasonmer Uayan, Bids at Awards Committee (BAC) Chairman Ulysses Mora.

Hindi naman pinakasuhan sina dating DepEd Secretary Leonor Briones dahil sa walang ebidensya ang direktang pagkakasangkot nito.