Naniniwala ang grupo ng mga employer sa bansa na bubuti pa ang employment situation sa Pilipinas sa taong 2023.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr, ang problema lamang ay mabagal ang pag-usad at hindi gaya ng inaasahan.
Kumpara aniya sa ibang mga bansa sa Asya, ang Pilipinas ay bahagyang nahuhuli sa pagluluwag sa health measures na ipinatupad ng gobyerno dahil sa covid-19 pandemic at nakatali pa rin sa face mask mandates habang ang ibang bansa ay nagluwag na.
Nakikita din ng ECOP chief na ang malalang epekto ang conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine ay huhupa na sa susunod na taon na magbibigay ng pag-asa sa ekonomiya at mga industriya na nawalan ng mga trabaho.
Kung maalala, noong nakalipas na Oktubre, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa bansa sa 2.24 million base sa preliminary results ng latest labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Habang ang employment rate noong Oktubre naman ay umakyat sa 95.5% na pinakamataas na naitala mula sa nakalipas na dalawang taon.