-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) ang laban sa paggamit ng rapid antibody tests para sa COVID-19.

Sa isang statement, sinabi ng grupo ng mga doktor na maaaring magdulot ng kapahamakan ang “inapprorpriate” o hindi wastong paggamit ng naturang kit.

Isang adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsulong kamakailan na isailalim sa rapid test ang mga manggagawang balik trabaho dahil sa mas maluwag nang quarantine measures.

Inulan ng kritisismo ang pahayag na ito ni Presidential Adviser for Enterpreneurship Joey Concepcion dahil sa naging banat nito laban sa mga doktor na tutol sa paggamit ng rapid tests.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang opisyal dahil sa sinabi nitong puro salita at walang ginagawa ang mga doktor.

Ayon sa opisyal, para sa piling grupo ng mga doktor lang ang kanyang ibinatong pahayag.

Pero nanindigan ang PSMID na pag-atake sa lahat ng doktor ang pahayag ni Concepcion.

“If he had read our guidelines, he would have learned that we offered a better option to clear people for work — the 14-day test,” ayon sa grupo.

“This clinical test is more accurate than the antibody test and it incurs no additional costs for laboratory procedures.”

“We do not wish to pick a fight with you, Mr. Concepcion. We cannot be enemies. We already have a formidable one and that is COVID-19.”

Ayon sa World Health Organization, “gold standard” para sa COVID-19 testing ang paggamit ng Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) kits.