
Ibinabala ng grupo ng mangingisda sa pamahalaan na dapat paghandaan sa posibilidad ng malawakang fish kill at pagbagsak ng huling isada dahil sa epekto ng tumagas na langis matapos ang paglubog ng oil tanker sa karagatan ng Naujan sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) National Chairperson Fernando Hicap, maaaring maapektuhan ang mga nakukuhang ibang species ng tuna sa Palawan at Antique gaya ng bullet tuna at skipjack tuna gayundin maaaring maapektuhan din aniya ang seaweed farms dahil sa oil spill.
Kayat nananawagan ang grupo ng klarong plano mula sa pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga apektadong bakawan, coral reefs o bahura at iba pang bahagi ng pangisdaan.
Una na ring inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaaring maapektuhan ang nasa 21 protected marine areas.