-- Advertisements --

Nagpresenta ng ilang mga paraan ang grupo ng mga magsasaka para maresolba ang lumalalang food crisis at matiyak ang food security sa Pilipinas.

Ayon sa leader ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na si Rafael Mariano, pumapangalawa ang Pilipinas sa ASEAN countries na may bilang ng mga tao na hindi makapag-afford ng isang healthy diet at hindi ito katanggap-tanggap aniya para sa isang agrcultural country gaya ng ating bansa.

Ipinunto ng grupo na upang maresolba ito, kanilang inirekomenda ang pagpapalawak ng mga sakahan para sa palay production, implemetasyon ng accelerated irrigation dvelopment at ang pagpapalawig pa ng irrigation sytem sa buong bansa, pagbibigay ng P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka gayundin ang pagsasabatas ng compettitive farm gate prices.

Binigyang diin din ng grupo na hindi masosolusyunan ang problema ng bansa sa pamamgitan ng pagpapalakas ng importasyon at agricultural trade at ang susi tungo sa pagiging isang food self-sufficient country ay makakamtan aniya sa pamamagitan ng pagtulong sa ating local farmers