Makikipag-ugnayan na raw ang Novo Nordisk Philippines at Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity (PASOO) sa Department of Health (DoH) para maibsan ang patuloy na pagdami ng kaso ng obesity dito sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Mia Fojas, pangulo ng PASOO, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga local government units (LGUs) para sa information dissemination.
Layon din nitong maresolba ang nararanasang diskriminasyon ng mga taong may labis na timbang o obese.
Sinabi ng doktora ang maling lifestyle tulad ng maling diet at kakulangan sa ehersisyo ang pangunahing ugat ng obesity hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.
Kasabay nito, sinabi ni Fojas na sa susunod na linggo ay ilulunsad nila dito sa bansa ang gamot laban sa obesity.