Grumpy Cat
Grumpy Cat/ Reddit image

Pumanaw na ang sikat na pusa sa internet na Grumpy Cat.

Inanunsiyo ito ng furry sensation’s family ang pagkamatay ng pusa sa edad 7 taong gulang.

Labis naman ang kalungkutan ng may-ari nito na si Tabatha Bundesen dahil sa pagkamatay ng kaniyang malapit na alaga.

Nagkaroon daw kasi ito ng complications mula sa kaniyang urinary tract infection.

Sumikat ang Grumpy cat o Tardar Sauce sa tunay na pangalan noong September 2012 na umani ng iba’t ibang mga internet memes.

Mula ng kumalat ito sa internet ay nagkaroon na ito ng mahigit na 1.5 million followers sa Twitter, 2.4 million sa Instagram at 8.5 million sa Facebook.