Isinagawa na ang ground breaking ceremony sa bagong mega Coronavirus disease 2019 (COVID-19) field hospital sa Rizal Park, Ermita sa lungsod ng Maynila.
Ang container-type facility ay mayroong 336-bed capacity na gagamitin ng para sa recuperation ng mga mild at moderate COVID-19 patients.
Nasa 200 medical frontliners din ang kapasidad nito para sa mga frontliners na magsisilbi sa naturang field hospital.
Sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ang P150 milyong halaga ng pasilidad ay aasahang magbubukas sa loob ng 60 araw.
Pinangunahan ni National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar, Sec. Carlito Galvez, Jr at Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana ang groundbreaking ceremony ang bagong field hospital na ipapatayo sa Burnham Green malapit sa Quirino Grandstand.
Kasama rin sa seremonya ang ilang government officials gaya nina Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Department of Health (DoH) Undersecretary Leopoldo Vega, Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Emil K. Sadain at MMDA General Manager Jojo Garcia.