-- Advertisements --

Ginulat ngayon ng Memphis Grizzlies ang powerhouse team na Golden State Warriors matapos tambakan nila sa score na 134-95 sa Game 5 ng NBA semifinals sa Western Conference.

Dahil dito, napuwersa ng Memphis ang serye para umabot pa sa Game 6.

Sa kabila nito abanse pa rin naman ang Warriors na may tatlong panalo.

Ang nakakagulat na diskarte ng Memphis ay nagtala rin sa koponan ng kanilang highest-scoring performance sa postseason history ng franchise.

Ang panalo ng Memphis ay sa kabila na hindi pa rin nakakalaro ang kanilang All-Star guard na si Ja Morant.

Dahil dito doble kayod ang ginawa nina Jaren Jackson Jr., Desmond Bane at Tyus Jones na pawang may tig-21 points.

Sa kampo ng Golden State nanguna naman si Klay Thompson na may 19 points at si Stephen Curry na medyo inalat ay meron lamang 14 points.

Aminado ang Warriors na sa akala nila ay matatapos na nila ang serye para umusad sa next round.

Ang Game ay gagawin sa Sabado sa teritoryo ng Warriors.