Nakabawi ngayon ang Milwaukee Bucks mula sa natamo nilang back-to-back losses nang kanilang tambakan ang Indiana Pacers, 117-98.

Umiskor ng 29 points si Giannis Antetokounmpo para sa Bucks, na dinagdagan ni Khris Middleton ng 27 points.

Nakuha ng Milwaukee ang kontrol sa pamamagitan ng 12-0 run sa unang bahagi ng fourth quarter, na inumpisahan ng 3-pointer ni Ersan Ilyasova.

Dahil dito, naghahari pa rin sa team standings sa Eastern Conference ang Bucks na may 49 na panalo at 16 na talo.

Nagsilbi namang top scorer ng Pacers si Myles Turner na mayroong 22 points.

Sa araw ng Lunes, tutungo ang Indiana sa Philadelphia, samantalang ang Bucks naman ay haharapin ang Charlotte sa Linggo.