-- Advertisements --
olivi newton john
Olivia Newton John

Ibinebenta ngayon sa auction ang iconic na leather jacket at tight pants na isinuot ni Olivia Newton-Jon sa pelikulang “Grease” .

Ang nasabing damit ay isinuot ng legendary singer sa final number nito at gagamitin ang perang malilikom para sa cancer treatment center nito sa Australia.

Ayon sa Juliens Auctions sa New York na hiwalay na ibebenta ang jacket at pantalon na inaasahang maibebenta ang bawat isa na $200,000.

Sumikat ang singer sa nasabing 1950 romance musical kasama ang actor na si John Travolta.

Taong 2017 ng ianunsiyo ni Olivia na bumalik ang kaniyang breast cancer na una niyang naranasan noong 1992.