-- Advertisements --

Matapos ang ilang araw na pamamalagi ng Grand Princess cruise ship sa karagatan ng California ay nakadaong na ito kanina sa pantalan ng Oakland.

Ang cruise ship ay may sakay na 3,533 pasahero, kasama na rito ang 21 pasyente na nagpositibo sa coronavirus.

Hindi pa malinaw kung ilan sa mga pasahero ang papayagang lumikas sa naturang barko ngunit ayon sa kumpanya ng cruise ship na gagawin nilang prayoridad ang mga pasahero na kinakailangang ma-confine sa ospital at isailalim sa acute medical treatment.

Inaasahan na posibleng matagalan ang proseso sa paglilikas.

Ayon kay US Vice President Mike Pence, ang mga pasahero na nakatira sa California ay dadalhin sa dalawang miltary base sa naturang estado habang ang iba naman na nakatira sa ibang lugar ay ililipat sa mga military base sa Georgia at Texas.

Ang 1,000 tripulanteng sakay naman ng Grand Princess cruise ship ay nakatakda ring isailalim sa coronavirus testing at quarantine sa loob ng barko.