ZAMBOANGA CITY- Nagbigay ng maikling mensahe ang isa sa grand champion duo na si Dave Alvarado na tubong Zamboanga City sa mga kapwa nito musikero sa buong bansa na huwag sayangin ang bawat panahon sa pag gawa ng musika mapa anong genre man.

Sa ekslusibong panayam ng Star FM Zamboanga kay Alvarado, ipinahayag ni Alvarado ang matinding paghikayat nito sa mga musikero na wag mawalan ng pagasa sa pagsali ng mga musical competitions tulad ng Bombo Music Festival.

-- Advertisement --

Hindi rin nito maitago ang kasiyahan na mapasali sa nasabing singing contest.

Magugunitang ginanap ang Bombo Music Festival sa West Visayas State University sa Iloilo nitong Sabado ng gabi.