Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyong guilty ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) chair Camilo Sabio.
Batay sa 10-pahinang desisyon ng 3rd Division, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang apela ni Sabio sa naturang desisyon.
Nag-ugat ang graft case ng dating opisyal matapos lumagda ng lease contract para sa 11 motorsiklo mula 2007 hanggang 2009 nang hindi dumadaan sa public bidding.
Nakasaad sa desisyon na mismong si Sabio at ilang PCGG commissioners ang pumasok sa lease agreement at hindi ang dating Pangulong Arroyo.
“It will be ridiculous to hold that alter egos of the President are, likewise, immune from suit simply because their acts are considered acts of the President if not repudiated. In fact, the 1987 Constitution is replete with provisions on the constitutional principles of accountability and good governance that should guide a public servant,” ayon sa desisyon ng SC division na hawak ni Assoc. Justice Diosdado Peralta.
Para sa Korte Suprema, malinaw na hindi sinunod ni Sabio ang panuntunan ng batas hinggil sa pagpili ng mga kontrata ng gobyerno.
Naging daan pa raw ang insidente sa hindi tamang paggamit ng kaban ng bayan.
“As correctly ruled by the Sandiganbayan, Sabio’s acts unmistakably reflect ‘a dishonest purpose or some moral obliquity and conscious doing of a wrong; a breach of sworn duty through some motive or intent or ill will.”