Arestado ang isang GRAB BIKE RIDER dahil sa umano’y pagtutulak ng illegal drugs.

Nakilala ang suspek na si Edison Hernandez, 24-anyos na residente ng Cristobal St., Barangay Ermitanio, San Juan City.

Ayon kay Pasig City Police chief, Pol. S/Supt. Orlando Yebra Jr., si Hernandez ay itinurong supplier ng soccaine ng nauna nilang naaresto na si Meynard Ang.

Si Ang ay nahuli matapos makipagsuntukan sa isang Arthur Arong sa isang bar sa Metrowalk, Barangay Ugong sa Pasig City.

Nakuha sa kaniya ang walong sachet ng coccaine at dito itinuro si Hernandez.

-- Advertisement --

Kaagad na nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Pasig Police sa Metrowalk at dito nadakip si Hernandez.

Sinabi ni Yebra na aabot sa P400,000 halaga ng coccaine ang nakumpiska sa suspek.

Kapwa sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Law sina Hernandez at Ang.