Inatasan na ng Malacañang ang lahat ng mga government offices sa National Capital Region (NCR) na gawing 20 percent lang ang on-site workers sa loob ng dalawang linggo na enhanced community quarantine (ECQ) period sa rehiyon.
Base ito sa Memorandum Circular No. 87, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Agosto 3, na inilabas ilang araw bago magsimula ang ECQ sa NCR mula Agosto 6 hanggang 20.
Nakasaad sa kautusan na ito na lahat ng mga government agencies at iba pang opisina ng Executive Branch sa NCR ay dapat hindi lalagpas sa 20 percent on-site capacity sa kasagsagan ng ECQ period.
Ito ay para matiyak pa rin na tuloy-tuloy ang serbisyo ng pamahalaan sa publiko.
Ang ibang manggagawa ng mga ahensya at kagawaran ng pamahalaan sa NCR ay sasailalim sa work-from-home arrangements na lamang.
Ang size ng skeleton workforce on-site ay tutukuyin ng head ng ahensya.
Binibigyan sila ng hanggang bago sumapit ang Agosto 6, 2021 para magsumite sa kanilang head department ng specific percentage para sa kanilang skeleton workforce.
Samantala, ang mga ahensya naman na nagbibigay ng health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control, at iba pang critical services ay papayagan namang makapag-operate ng lubusan.
Pero iyong mga opisina naman sa ilalim ng Legislative at Judicial branches ng pamahalaan, independent constitutional bodies, at local government units ay hinihikayat ding i-adopt ang mga probinsyon ng memorandum cirucular.