Nanantili sa 54 million ang target na mabukahan ng Duterte administration kontra COVIDS-19 bago matapos ang taon sa kabila nang pagpapaliban sa kanilang COVID-19 vaccination ang ilang lugar sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Sinabi ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje kahit pa 39 local government units ang nag-postpone ng kanilang COVID-19 vaccination drive dahil sa hagupit ng Bagyong Odette kamakailan.
Ayon kay Cabotaje, nagkasundo sila na ipagpapatuloy ang COVID-19 vaccination hanggang Disyembre 23 at muling babalik sa Disyembre 27 hanggang 30 para maabot ang target na 54 million Pilipino na fully vaccinated kontra COVID-19 bago magbagong taon.
Sa kanilang tantya, nasa 21 million ang nakatakdang magpabakuna ng second dose ng COVID-19 vaccines.