LEGAZPI CITY – Mahaharap sa kaso ang isang nagpakilalang government employee sa Albay matapos maaktuhang nagpupuslit ng mga paninda sa isang mall sa Legazpi City.

Kinilala ang naarestong si Jenalyn Guarin, 42.

Ayon kay police Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay Provincial Police Office, naaktuhan ng CCTV operator na si Mia Amor Dao ang pagkuha ni Guarin sa ilang paninda ng hindi na pinangalanang estabilsyemento.

Nang silipin ang bag ng suspek, lumantad ang mga karne ng manok at baboy na nasa higit P300 ang halaga.

Hindi na nakapag-pakita ng resibo si Guarin kaya ito hinuli ng mga otoridad.