-- Advertisements --

Hinimok ng mga kongresista ang lahat ng concerned government agencies na magkaroon ng sign language interpreters sa mga state hospitals para matulungan ang mga hindi nakakapagsalita at iba pang persons with disability (PWDs) sa kanilang medical needs.

Sa virtual hearing ng House Special Committee on Persons with Disability, binigyan diin ni Chairwoman Maria Lourdes Arroyo ang kahalagahan nang pagkakaroon ng sign language interpreters sa mga ospital.

Ayon kay Miramel Laxa, kumakatawan sa DSWD, nag-aaral pa ng sign language ang kanilang mga staff sa central at field offices para makapag-communicate sila sa mga PWDs.

Pagdating naman sa hiling ni Arroyo na maglagay ng sign language interpreters sa mga government hospitals, sinabi ni Laxa na kanilang ikokonsidera ito.