-- Advertisements --
Isinailalim sa lockdown ang opisina ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. simula kahapon hanggang ngayong araw, Septyembre 10.
Ito ay matapos na maging close contact ang gobernador ng kanyang staff na nagpositibo sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, sinabi nito na patuloy pa ngayon ang contact tracing sa mga naka-close contact ng nasabing staff.
Ayon kay Mamon, kaagad naman nagsagawa ng disinfection sa opisina.
Isinailalim na rin sa swab test ang gobernador at iba pang close contacts.










