Nanawagan ang governor ng Osaka sa Japan na kanselahin ang Olympic torch relay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sinabi ni Osaka Governor Hirofumi Yoshimura na kaniyang kakausapin ang Tokyo organizing committee sa nasabing plano nito.
Tiniyak naman ng organizers ng Tokyo Olympics na kanilang pag-aaralan ang proposal ng opisyal ng Osaka at magsasagawa rin sila ng mga pagpupulong tungkol sa nasabing usapin.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinimulan na sa Fukushima ang torch relay bilang hudyat ng pagsisimula ng Olympics.
Nasa 10,000 na mga runners ang kasama sa torch relay na gagawin sa 47 lugar sa Japan sa loob ng 121 araw.
Gaganapin ang Olympic sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 habang ang Paralympics ay sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.