Bumuo ng isang governing board ang lokal na pamahalaan ng Kalibo na siyang mamamahala sa 2023 Kalibo Ati-Atihan festival sa Enero.
Ang Kalibo Ati-Atihan Festival Board (KAFEB) ay binuo sa bisa ng Municipal Ordinance 2022-003 noong Setyembre 19, 2022 ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na pangungunahan ni Kalibo Mayor Juris Sucro.
Pinaghahandaan ngayon ng KAFEB ang face-to-face na mga aktibidad ng opening salvo sa Oktubre 8 at mga events sa Ati-Atihan sa Enero.
Sa kabilang daku naman, obligado ang KAFEB na magpalabas ng kanilang financial report dalawang buwan pagkatapos ng festival.
Inaasahang aabot sa P1 milyon ang premyo sa mananalo sa tribal big category.
Taong 2020 huling nagsagawa ng face-to-face na selebrasyon ng Ati-Atihan Festival ilang buwan bago tumama ang COVID-19 sa bansa.