CENTRAL MINDANAO-Handang suportahan ni Maguindanao incumbent Governor Esmail”Toto”Mangudadatu ang bagong halal na gobernador na si Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Masaya si Gov Toto dahil nanalo siyang Kongresista sa ikalawang distrito ng Maguindanao pero malungkot naman ito sa pagkatalo ng kanyang kapatid na si Mayor Freddie Mangudadatu na tumakbong gobernador.

Kung para sa ikabubuti ng mamamayan ng Maguindanao ay handang suportahan ni Gov Toto si Bai Mariam.

Anumang oras ay handang makipag-ayos si Gov Toto sa pamilya ni Bai Mariam lalo pa at magkakamag anak lamang sila pero naging mahigpit na magkatunggali sa pulitika.

Ang eleksyon ay dadaan lamang ngunit ang magandang relasyon ng pamilya ay dapat manatili at kalimutan ang away sa pulitika.

Emosyunal na nagpasalamat si Gov Toto sa mamamayan ng Maguindanao dahil sa tiwala sa kanya sa loob ng tatlong termino at sa kanyang pagkakapanalo bilang kongresista sa pangalawang distrito ng Maguindanao.