Inihahanda na ng Cebu Provincial Government ang reklamo at posibleng bukas, Marso 28, ay isasampa na ang kasong administratibo at kriminal laban sa Bureau of Animal Industry.
Naniniwala pa ang legal team ng Kapitolyo na lumabag ang Bureau of Animal Industry sa Republic Act 3019 o ang Anti-graft and corrupt Practices Act batay na rin umano sa aksyon at inilabas na pahayag nitong hindi malinaw at walang ibinigay na bilang kung ilang baboy ang nahawaan ng African Swine Fever.
Sinabi pa ni Cebu Gwendolyn Garcia na dapat lang na panagutin ang ahensya sa kanilang aksyon dahil nagdudulot ito ng economic dislocation sa probinsya.
Hindi lang umano nakompromiso ang hog industry dahil tinatakot ang mga tao na hindi na kumain ng karne ng baboy gayundin ay nagdulot ito ng paghihirap sa mga backyard hog raisers.
Naniniwala din ang opisyal na ginamit lang ng Bureau of Animal Industry ang nasabing sakit bilang katwiran para aprubahan ang pagpasok ng mas maraming imported na baboy na makakasama sa local hog industry.
Tinawag pa ito ng gobernadora na “economic sabotage” at ngayon lang umano niya nakita na patungkol pa rin ito sa pera at kasakiman, bagay na hindi niya papayagan sa lalawigan ng Cebu.