-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging emosyonal si Gov. Cecilia Araneta Marcos sa pagdiriwang ng ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa kanya, ipinagdarasal niya ang pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa mga mamamayan sa gitna ng kaguluhan sa mundo ng pulitika sa kasalukuyan.

Aniya, umaasa siyang matatapos na ang hindi pagkakaunawaan at hidwaan ng mga mambabatas sa bansa para magkaisa ang lahat.

Samantala, inaalay ni Gov. Marcos ang pagpupugay ng lahat ng Pilipinong nagsakripisyo at lumaban para sa bansa para makamit ang ganap na kalayaan.

Pinuri rin niya ang mga kontribusyon ng mga bayaning Ilokano tulad nina Juan at Antonio Luna, Gen. Artemio Ricarte, Gregorio Aglipay, Roque Ablan Sr., Ferdinand Marcos Sr. at Josefa Llanes Escoda.