Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Richard Gordon sa nangyayaring kaguluhan sa Myanmar na naging dahilan upang ikulong ang ilang matataas na opisyal sa bansa kasama na ang Nobel Peace Prize awardee na si Aung San Suu Kyi.

Ayon kay Gordon, nag-aalala umano ito sa kapakanan ni Suu Kyi lalo na at humaharap sa coronavirus pandemic ang buong mundo.

Umaasa umano ito na magiging maayos na ang political situation sa Myanmar at makakamit ng bansa ang national unity, democracy at pagkakaisa para sa mamamayan nito.

Ilang beses nang nagkita sina Gordon at Suu Kyi upang talakayin ang iba’t ibang humanitarian issues tulad ng disaster relief, mitigation at Rohingya situation.

Sa ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas noong 2017, nakiusap si Suu Kyo kay Gordon na tulungan nito ang Myanmar Red Cross Society na mabigyan ng humanitarian assistance ang mga apektadong komunidad sa estado ng Rakhine.

-- Advertisement --

Pinangunahan din ng senador ang high-level humanitarian diplomacy mission sa Myanmar noong Oktubre 2017.