CEBU CITY- Hindi lang umano naiintindihan ni Presidential Spokesperon Atty. Salvador Panelo ang Senate probe kaugnay sa mga “ninja cops” kaya nasabi nito na ito ay pamumulitika laman, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Dick Gordon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi ni Gordon na kung pamumulitika lang ang kanilang ginagawa sa Senado ay hindi na sana sila magpapadala kay Presidente Duterte sa kanilang report sa naganap na executive session.
Alam aniya ng Pangulo ang nangyayari sa executive session at open naman daw ito sa lahat.
Kaugnay nito, iginiit ng senador na kahit rin sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na mag move-on nalang dahil hindi naman siya sinibak ni Duterte ay kailangan pa rin itong iimbestigahan.
Sa ngayon, marami pa rin aniya ang kailangan na tatalakayin gaya na lamang sa sinasabing halos P700 million na perang kinuha ng mga ninja cops, pati na rin ng mga sasakyan.
Higit sa lahat, binigyan diin ni Gordon na mahalagang matukoy ng kinaroroonan sa ngayon ng drug personality na si Johnson Lee.