Nagpahayag ng matinding pagsuporta ang Armed Forces of the Philippines sa posisyon ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. laban sa mga opisyal ng pamahalaan na pro-China sa usapin ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, lahat ng public servant ay sumumpang itataguyod ang Saligang Batas at soberanya.
Aniya, ang pagtindig sa pambansang interes na naka-angkla sa international law ay hindi patungkol sa pulitika, kundi obligasyon dapat sa republika.
Binigyang-diin ni Trinidad na iniaalalay ng mga sundalo ang kanilang kaligtasan bilang tagapagtanggol ng karagatan at himpapawid, kaya umaasa silang susuportahan ito ng lahat ng Pilipino, kasama na ang mga inihalal na pulitiko.
Nauna rito, sinabi ni Teodoro na dapat ikunsidera ng mga opisyal ang pagbibitiw sa pwesto kung hindi sila susunod sa Administrative Order 29 na kumikilala sa WPS bilang opisyal na bahagi ng Philippines’ EEZ.
















