-- Advertisements --

Malaking kawalan umano para sa mga opisyal ng pamahalaan kung tototohanin ang hindi pagdalo sa Senate hearings.

Ito ang sinabi ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, bilang tugon sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng hindi na padaluhin sa Senate inquiry ang mga miyembro ng gabinete, partikular na ang mga pinuno ng Department of Health (DoH) at Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Gordon, itutuloy pa rin nila ang mga pagdinig kahit hindi dumating ang ilan sa kanilang mga ipinapatawag.

Maaari naman aniyang kuwestyunin sa Korte Suprema ang magiging hakbang ng pangulo, kung talagang haharangin ang pagdalo ang mga kalihim sa Congressional hearings.

Samantala, tinawanan na lamang ni Gordon ang pahayag ng chief executive na ikakampanya niya na huwag iboto si Sen. Gordon.

Giit ng mambabatas, hindi siya maaapektuhan ng mga ganitong estilo ng kampanya, dahil naka-focus sila sa trabaho sa Senate blue ribbon committee.