-- Advertisements --

GoodLuck! Ito ang mensahe ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na magkukumahog na rin ang kanilang pamilya sa pangangampanya ngayong nalalapit na ang 2025 midterm elections.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro goodluck sa pamilya Duterte.

Sa isang panayam sinabi kasi ni Vice President Sara Duterte na uuwi na rin sa bansa ang kaniyang kapatid na si Rep. Paolo Duterte na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands para simulan na rin ang pangangampanya.

Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo humingi na rin siya ng tulong sa kapatid nitong si Kitty Duterte para sumama sa campaign rallies ng kanilang partido partikular ang kanilang mga senatoriables.

Ayon kay VP Sara tumugon na rin si Kitty at nangako na sumama sa mga campaign rallies.