-- Advertisements --
Nangako si outgoing President Donald Trump na may magandang balita ito hinggil sa COVID-19 relief bill.
Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Trump na pirmahan ang naturang $900 billiuon relief package dahil hindi raw nito nilalaman ang kaniyang mga inaasahan.
Hanggang ngayon kasi ay milyon-milyong mamayan ng Estados Unidos ang patuloy na naghihintay ng kanilang unemployment benefits bunsod ng coronavirus pandemic.
Ginawa ni Trump ang pahayag na ito habang nasa kalagitnaan ng kaniyang Christmas vacation sa kanilang Mar-a-Lago resort sa Florida.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang pangulo ng Amerika hinggil dito.