Naitala ng Golden State Warriors ang ika-apat na magkakasunod na panalo nito ngayong season matapos gulatin ang Sacramento Kings, 102 – 101.
Naging mahigpit ang laban ng dalawang magkaribal na koponan matapos magpalitan ang mga ito ng magagandang shots.
Nagawa ng GSW na mapanatili ang 48.1% na field goal % habang umabot lamang sa 40.9 ang Kings. Mas mataas din ang 3-pt field goal ng GS na may 35.5% habang 31.4% lamang sa Kings.
Gayonpaman, nagawa ng Kings na umagaw ng 48 rebounds sa kabuuan ng game habang 36 lamang ang nakuha ng Golden State.
Hindi nakapaglaro si Kings guard De’Aaron Fox dahil sa kanyang injury, kayat ang Sentro ng team na si Domantas Sabonis ang nanguna sa opensa nito.
Kumamada si Sabonis ng 23 points at 11 rebounds, kasama ang walong assists. 16 points naman ang naging kontribusyon ni Malik Monk.
Sa naging panalo ng GS, nalimitahan lamang si Stephen Curry sa 21 points ngunit siya pa rin ang nagtala ng pinakamaraming puntos. 15 points 6 rebounds ang ambag naman ng bagong Warriors bench na si Dario Saric
Labing-apat(14) na segundo bago matapos ang game proper, hawak ng Kings ang 1-pt lead laban sa Warriors.
Gayonpaman, nagawa ni Klay Thompson na maipasok ang pull up jumper bago tuluyang matapos ang timer.
Dahil sa panalo, hawak na ng GS ang apat na panalo at isang pagkatalo habang ang Kings ay may 2 – 2 win/loss record.