CAPAS, Tarlac – Hindi nagpadaig sa tikas ng katawan at tangkad ang Bikolanong atleta ng javelin throw men’s division para ibulsa ang gold medal sa athletic event sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian (SEA) Games sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Dinomina ni Melvin Nolasco Calano ang event at naabot ang 72.86 meters para sa gold medal.

Hindi umano makapaniwala ang gold medalist na siya ang mananaig sa javelin dahil hindi ito masyadong nag-focus sa training matapos masira ang kanilang bahay sa Bicol dahil sa mga nagdaang bagyo.

Samantala, pumangalawa naman sa event ng athletics si Abd Hafiz ng Indonesia na mayroong 71.00 meters.

Hindi rin uuwi ng luhaan sa Vietnam si Hoai Van Nguyen na bronze medalist na nakapagtala ng 70.88 meters.