Dugo at pawis ang naging puhunan ng Olympian silver medalist na si Hidilyn Diaz bago nakuha ang unang gintong medalya sa South East Asian (SEA) Games.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas Monico Puentabella, sinabi nitong 16 na taon ang hinintay ni Diaz bago Aang pinakamimithing medalya.
Sa tagal na paglalaro ng Zamboanganena athlete, sa SEA Games na lamang ang wala siyang medalya.
Dagdag ng dating Philippine Olympic Committee chairman, sa Enero lalaban si Diaz sa isang qualifying tournament para sa 2020 Tokyo Olympics.
Sa panig naman ni Diaz, napaka-espesyal ng nasabing gold medal dahil nasungkit niya ito sa home country.
Malaking tulong din aniya sa kanya ang SEA Games para sa Tokyo Games kung saan susubukang masungkit ang unang gintong medalya ng bansa. (originally written by Bombo Ronald Tactay)