KALIBO, Aklan – Tatlong Aklanons ang nakaambag ng gintong medalya sa pencak silat competition sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.

Sina Michelle Jane Cabindol, Janelle Kai Malacas at Shantal Kaye Villanoche ay panalo ng gintong medalya sa pencak silat artistic girls secondary regu (trio).

Ang pencak silat na isang martial arts discipline ay ipinakilala bilang demonstration sport noong 2017 Palarong Pambansa sa Antique.

Ngunit, ang resulta ay hindi kasama sa official medal tally.