-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang “Godfather of Sudoku” na si Maki Kaji sa edad 69.
Ayon sa magazine nitong Nikoli na nagkaroon siya ng bile duct cancer kaya nalagutan ito ng hininga sa kanilang bahay.
Siya ang nagbigay ng pangalan sa sikat na number puzzle game matapos na ilathala ito sa kaniyang sariling magazine.
Ang nasabing sikat na laro ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng numero mula 1-9 sa bawat row, column at square.
Isinilang si Kaji sa Sapporo Japan noong 1951.
Matapos ang pag-drop out sa Keio University ay itinayo niya ang puzzle magazine na Nikoli na unang lumabas noong Agosto 1980.
Bagamat hindi malinaw ang pinagmulan ng Sudoko ay sinasabing pinasikat ito ng Swiss mathematician na si Euler noong 18th century.