-- Advertisements --
Kumpiyansa ang gobyerno na makakalikom sila ng P4.24 trillion na kita sa susunod na taon.
Ayon sa Cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ito ay dahil sa ipapatupad ng gobyerno ang priority tax measures nito.
Ang nasabing revenue collections para sa 2024 ay inaasahang aabot sa P4.235 trillion na ito ay 10 porsyentong mas mataas na inaasahang P3.846 trillion na kita ngayong taon.
Sa kasalukuyan kasi ay ipinapatupad na ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs ang ilang mga reporma para mapagtibay ang tax administration at mapaganda pa ang revenue collection ng bansa.