-- Advertisements --

Tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigpit na susunod sa mga pamantayan ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa loob ng tatlong buwan upang wakasan ang mga problema sa industriya ng maritime sa bansa.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, prayoridad ng Marcos administration ang pagtugon sa mga isyu ng Filipino seafarers sa Europe.

Sinabi ni Speaker na kasama sa delegasyon ng Pangulo patungong Belgium mayruong tatlong buwan para makapag comply ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Romualdez na mayruong “sense of urgency” sa pagtalakay sa panukalang batas para mapabuti pa ang educational system ng maritime industry.

Binigyang-diin ni Speaker na maraming mga batas ang isinusulong para mapaganda pa ang kapakanan ng mga seafarers.

Sinabi ni Romualdez, may mga bansa na may liberal na pananaw, at ito ang posibleng dahilan na hindi gaanong mapagkumpitensya.

Ang naka pending na panukala ngayon sa Kamara ay ang Maritime Education and Training Act na nagsusulong ng modern maritime education and training regime at suportahan ang pangangailangan ng maritime students at professionals.

Una ng ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagtatag ng advisory board para tugunan ang mga pagkukulang na tinukoy na EU partikular sa education, training and certification system ng mga Pinoy seafarers.