-- Advertisements --

Tutulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang 65-anyos na Filipino-American sa New York City na biktima ng hate crime.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na idinulog na nila ang kaso sa Assistance to National at sa New York consulate para mabigyan ng karampatang tulong ang biktimang si Vilma Kari na isang dual citizen.

Pinasalamatan ni Locsin ang mga otoridad sa New York dahil sa mabilis na hakbang para sa pagkakaaresto ng suspek na si Brandon Elliot.

Magugunitang inatake ni Elliot ang biktima nitong Lunes habang patungo sana ito para magsimba kung saan nagtamo ng pasa at sugat ang biktima.

Matapos ang ilang araw ay naaresto ang 38-anyos na suspek.

Hindi rin maiwasan ni Locsin ang galit nito sa suspek kung saan inalok pa nito na magtungo siya sa Pilipinas at sasagutin ang lahat ng gastusin nito para makapunta sa bansa.

Magugunitang inilagay ng gobyerno sa ECQ ang NCR, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.