Opisyal na umapela ang gobyerno ng Pilipinas para baligtarin ng International Criminal Court (ICC) ang desisyon nito na ipagpatuloy ang inquiry sa brutal na kampaniya kontra iligal na droga ng dating administrasyong Duterte.
Muling binigyang diin ng Office of the Solicitor General (OSG) na walang hurisdiksiyon ang the Hague-based tribunal matapos na kumalas ang bansa sa nasabing tribunal noon pang taong 2019.
Matatandaan na pinayagan ang ICC Prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon sa bansa may kinalaman sa umano’y krimeng nagawa kaugnay sa war on drugs noong panahon na miyembro pa ng tribunal ang bansa kung saan kabilang aniya sa imbestigasyon ang mga kaso mula sa November 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019.
Subalit ayon sa OSG base sa legal basis mayroong mga kondisyon na dapat na ma-comply bago isagawa ang imbestigasyon kung saan dapat aniya na magkaroon ng State referral ng mga kaso.
Mayroon din dapat referral mula sa United Nations Security Council at motu propio prosecutor investigation o kasunduan sa imbestigasyon.
Ipinahiwtig din ng OSG sa appeal brief nito na sa kondisyon na nakapaloob sa Article ay dapat na ma-comply kabllang ang pagtanggap ng estado sa imbestigasyon.
Ibig sabihin, dapat na makakuha ng pahintulot mula sa bansa para sa imbestigasyon ng ICC Prosecutor.
Un rito, hiniling ng gobyerno ng Pilipina sa pamamagitan ng OSG para sa suspensiyon ng imbestigasyon habang nagpapatuloy ang apela para suspendihin ang authorization ng ICC para mag-imbestiga.