-- Advertisements --

Sinimulan na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapatupad ng beta testing ng e-Visa para sa Indian nationals.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang unang nakakuha ng e-visa ay ang Indian businesswoman na si Tarina Sardana na dumating sa bansa noong Abril 13.

Sa paggamit ng kaniyang e-Visa, na-clear ito sa check in at immigration sa Indira Gandhi International Airport nang walang kahirap-hirap at dumating sa manila sa parehong araw.

Inihayag din ng ahensiya na ang pagpapatupad ng beta testing ng e-Visa system sa bansa ay simula pa lamang ng full implementation nito.

Ang magiging obserbasyon at findings ay iuulat sa DFA at oDICT para sa system fien tuning.

Sa kasalukuyan, kailangan ng e-visa beta test applicants na magkaroon muna ng appointments para mabisita ang embahada para maproseso at ma-evaluate.