Iginiit ng Philippine Embassy in France na hindi ito maaaring kumilos sa paraang lalabag sa soberanya ng isang host country.
Ito ay may kaugnayan sa kaso ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy ”Zaldy” Co na iniulat na nasa France at naghain ng asylum.
Ayon kay Ambssadro Ed De Vega, kailangang sumunod ang embahada sa international law at hindi basta maaaring arestuhin ang sinumang Pilipino sa France.
Aniya, katulad din ito sa French Embassy sa Manila na hindi rin maaaring magsagawa ng police operations o mang-aresto sa loob ng Pilipinas.
Dagdag pa ng Ambassador, nauunawaan nila ang concern ng publiko ngunit dapat dumaan sa tamang proseso at diplomasya ang aksyon ng pamahalaan.
Samantala, sinabi rin niya na ang mga susunod na pahayag hinggil dito ay magmumula na lamang sa Office of the President.
Nauna rito, kinumpirma ng mga opisyal ng Pilipinas sa Prague na wala na sa kustodiya ng Czech authorities si Co, habang nilinaw ng Department of Foreign Affairs na kinansela na ang kanyang regular at diplomatic passports noong Disyembre 2025 pa at iniulat na ito sa International Criminal Police Organization (Interpol).















